Pambansang Galerya ng Sining (National Art Gallery) |
Huling araw na ngayon ng Buwan ng Wika kaya napagpasyahan kong isulat ang aking ipapaskil sa wikang Filipino.
"At ngayon di pa rin alam
kung bat tayo nandito
pwede bang itigil mo na
ang pag-ikot ng mundo...."
Ito ang naririnig kong kanta mula sa aking celphone habang ako'y naglalakad papuntang Pampabansang Museo, naisipan kong pumunta dahil sa mga kadahilanang libre naman ang pagpasok, mahabang bakasyon at gusto kong mausisa kung ano ang makikita sa loob ng gusaling ito. Akala ko mag-isa lang ako gagala sa ngunit sa kabutihang palad ang aking kaibigang blogger na si Thrasher Mina - Adventures of Manong Unyol ay naging interesado sa pagsama.
Ang Pasukan |
Sa likod ng mga pintuan |
"Ewan mo at ewan natin
sinong may pakana
at bakit ba tumilapon ang
gintong alak dyan sa paligid mo... "
Patuloy pa rin ako sa pakikinig ng kanta habang kami ay nagpaparehistro sa lobby ng gusali at nang matapos ay dali-dali kami pumunta sa unang galerya na makikita.
Parang alam ko na ang makikita ko dito. |
Hindi lamang mga gawa nila Juan Luna at Hidalgo ang makikita sa loob, mula Hulyo 13 - Septyembre 15, 2013 itinatampok din ang mga eksibisyon mula sa mga koleksyon nina Rico and Melaniie Hizon, pintor at mga kaibagan.
"Ewan mo at ewan natin sino
nagpakana at bakit ba
tumilapon ang spolarium dyan sa paligid mo."
Spoliarium |
Ang Spoliarium ay ginawa ni Juan Luna noong 1884 para isali sa Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid, kung saan sya nanalo ng gintong medalya. Inabot siya ng walong buwan para matapos ito at may sukat na 422 sentimetro x 765.5 sentrimetro. (Wikipedia.org)
Hindi ko akalain na ganito sya kalaki. |
Gawa ni Leandro Locsin, Pambansang Manlilikha ng Sining Para sa Arkitektura.
Paalala: ang mga ibang litrato tungkol sa mga iba pang bagay na makikita sa Pambansang Museo ay hindi ko muna ipapaskil sa kadahilanang maaring pinagbabawal itong kuhaan ng larawan at ang ibang impormasyon na iyong nabasa ay mula sa Pambansang Museo.
Maraming Salamat sa pag-basa at pag-bisita!.
Impormasyon:
Telepono: Museum Education Division (527-0278)
Email: museum.education.nm@gmail.com
Email: museum.education.nm@gmail.com
Tirahan: P. Burgos Drive, Rizal Park, Manila
Mga Bayarin:
Libre tuwing Linggo
Indibiduwal ( Isa hanggang 50 Indibiduwal)
Indibiduwal ( Isa hanggang 50 Indibiduwal)
Matanda – 150.00
Estudyante(may ID) – 120.00
Bata(4 na taon pababa) - Free
Gropo (higit sa 50 Indibiduwal)
Matanda– 120.00
Senior Citizen – 120.00
Estudyante(may ID) – 40.00
Foodtrip?, Tara! Game ako dyan heheheh!
ReplyDelete