Wednesday 3 October 2012

Paglalakbay patungong Malabon Zoo

Isa akong Batang Malabon, dito ako isinilang, lumaki at nagka-isip, nagustuhan ang pancit malabon, nakasanayan ko na lumusong sa tubig-baha tuwing hightide, konting ulan lang may swimming pool na sa tapat ng bahay. ngunit parang kulang at nag-mumukha akong tanga tuwing tinatanong sakin kung saan at malabon zoo at di ko masagot kung saan o paano pumunta dun tulad na lamang ng eksenang ito.

Friend: Ui taga-malabon ka pala.

Me: Oo, taga-malabon ako

Friend: Eh di alam mo kung paano pumunta sa Malabon Zoo?.

Me: Di pa ako nakakapunta dun......

Friend: Maganda ba dun/?

Me: Sabi nila maganda daw.

Friend: Magkano entrance dun?

Me: Wala akong idea kung magkano.......

Kung mapapansin nyo parang akong musmos na walang kaalam-alam tungkol sa  isa mga sikat na atraksyon sa Siyudad ng Malabon, kaya noong nakaraang Mayo, napagpasyahan kong puntahan ito..

Sa sobrang excitement nakalimutan kong i-charge yung battery ng camera kaya konti lang yung pics. (fail #1)

gusto ko sanang kunin yung basura sa likod ng pagong pero di ko abot. :/

 Nice pose Grizzly Bear (....Grizzly Bear nga ba yan?)
Agaw pansin yung isda.......
Medyo i-close up natin.

may gad, naka ngiti yung isda O_O

at di mawawala ang group pic.

Wala ako dyan......alam na kung nasaan ko ( di umabot, Fail #2)


Malabon Zoo and Aquarium
Address: # 1 Gov. Pascual, Barrio Potrero, Malabon

Zoo hours: 8am to 5:30pm (open daily)

Paano pumunta dun? Click here

Maraming Salamat sa pag view, Cheers!

1 comment:

  1. Buti pa po kayo nakapunta na, ako gusto ko ring pumunta sa malabon zoo ...

    ReplyDelete